Madaming kabataang Pinoy dito sa Europa ang hindi marunong mag Tagalog sa maraming dahilan: dito na pinanganak, walang kaibigan pinoy, hindi sinanay ng mga magulang magsalita ng sariling wika o minsan naman ay mismong nanay at tatay na ang pilit kinalimutan dahil sa "feeling nila" ay sa ganoon paraan mas magiging integrated sila sa bansang tinitirahan.
Madami din sa teenagers ngayon nag dadatingan galing sa Pilipinas, mga binata at dalaga ang karamihan pa ay galing probinsya na dinala sa abroad upang mag aral at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Sa eskwelahan kailangan nilang mag adjust sa Spanish at Catalan (dahil asa Barcelona ako :D ) makihalo sa mga teenagers na puti kahit hindi sila nagkakaintindihan, kaya ang iba ay tinamad na mag aral, nagiging tambay at ang mga tanging kaibigan nila ay kapwa pilipino na din.
Meron naman mga kabataan na kahit dito man ipinanganak, dito man lumaki at mga espanyol man ang kaibigan ay hasa parin sa pagsasalita sa wikang Kastila, Tagalog at mismong dialecto ng kanilang probinsya ay alam.
Pag dating naman sa Ingles ay kilala ang Pilipinas na magagaling, English speaking nga daw. Ang dahilan siguro ay katulad dito sa Barcelona na Catalan ang official language na itinuturo sa mga paraalan ganun din sa Pilipinas at dahil na din siguro sa malaking impluwensya ng America sa bansa.
Kaya naman sa karamihan ng trabaho dito sa Espanya lalo na sa sector ng Hosteleria (hotel and restaurant) malaki ang chances ng mga kababayan kong pinoy na matanggap. Una, masipag ang mga ito, mabibilis kumilos at pulido mag trabaho,pangalawa ay dahil malaki ang advantage nila sa mga kastila, nakakaintindi at nakakapag salita ng kahit papaano ng ingles, na malaking tulong sa kumpanya dahil sa Tourist spot ang Barcelona at marami ang mga pumupunta at nag babakasyon dito.
P.S: may nakita akong message galing sa isang kakilala ko at ang sabi... " Bro, I'm sorry I can't uplode your pictures because i have a meating today"
*Bow*
No comments:
Post a Comment