15:08 h
Now I'm sitting here, doing nothing actually. Just killing time before I go to the gym to burn fats, fats and more fats.
-,-,-,-,
Ang init init ng panahon ngayon, nakakatamad kumilos, wala nga akong gana kumain dahil sa sobrang init!! Pero gusto ko ng halo-halo ng Chowking o kaya'y mag palamig sa Rockwell, MOA, Megamall o kung saan man mall na malapit lang sa bahay. Ang sarap din siguro mag swimming ngayon o kaya ay mag punta sa beach sa Bora, Palawan,Davao,Pagudpud,Caramoan at kung saan saan beach na magaganda sa Pilipinas.
-,-,-,-,
Buong araw na yata akong nag daydreaming, dahil sa hindi ako makatulog. Kahit sa gabi ay nag "nnightdreaming" naman ako lol. Ang tagal ko na din hindi nararamdaman tong sakit ng tyan na hindi mawala wala, parang may kumukurot sa sikmura ko,hindi ako mapakali. Eh sa wala naman akong dahilan para magkaganito.. Ah, ewan!!
-,-,-,-,
Ang dami kong hinihintay ngayon araw na to, dumating na si mama para matapos nya nang maluto ang masarap naming lunch, hinihintay ko din matapos ma dl yung song na ni recommend ng isang kaibigan, at naghihintay ng sagot.
Oh well, wala talaga ako magawa :D
Maganda nga pumunta sa mall pag mainit ang panahon. Magpalamig at maikot-ikot at siyempre mas maganda kung may pera kang pang-shopping. :D Maganda din pumunta sa beach kasama ang mga kaibigan o kaya kasama ang boyfriend/girlfriend at magsaya.:)
ReplyDeleteParang butterflies sa tummy? Ganun ba yung pakiramdam mo? Minsan nangyayari din sa akin yan pag nakakaramdam ako na "sweet moments" o kaya pag may naalala kang mga bagay na gusto mong gawin pero hindi mo magawa. Hehehe. :)
Ako din. Meron naman akong isang taong hinihintay araw araw at nagiging masaya ako kapag kausap ko siya. Masaya din maging updated sa buhay ng taong mahal mo kahit malayo siya at gusto mong iparamdam sa kanya na nandiyan ka pa rin para sa kanya. :)
Ganun na nga, masaya ang may kasama at karamay sa mga simpleng bagay na nangyayari sa atin araw araw lalo na kung importante sila sa buhay mo.
ReplyDeleteMinsan ayaw ko nung butterflies na yun kasi madalas hindi ako pinapatulog, hindi ako mapakali at ayaw ko ng feeling na yun pero hindi ko naman din sya ma control.. :)
Masarap ang pakiramdam na may taong nag mamahal at nag aalala para sayo sa kahit anong paraan..
nakakatuwang ang usapang pampalipas oras ay mapunta sa usapan ng pagmamahal...sana ay di ma-associate ang mga salitang ito sa isa't-isa--pampalipas oras at pagmamahal.
ReplyDeleteOo nga at lumayo na din sa topic ang usapan. :) Sana lang hindi ako naging pampalipas oras lamang sa taong mahal ko.
ReplyDelete