Sunday, July 4, 2010

Pilipinas kong mahal


Hindi man ako lumaki sa bansa kung saan galing ang aking mga magulang gustong gusto ko ito laging puntahan.


Tandang tanda ko pa ng asa airport kami habang pababa ng ramp ng NAIA 1 ang unang pumasok sa isip ko ay " Ano to, parang kulungan?!! bakit nasa rehas ang mga tao?! " ang init init pati hangit sobrang init, hindi makahinga ng mabuti dahil sa alikabok na nasasanghap ko galing sa mga sasakyan, isang daan na jeepney, nagkalat na tricycle, may pedicab pa!


Year 2005 pa yun, 2 weeks pa lang ako sa Pilipinas gusto ko na Bumalik sa abroad, hindi ako sanay halos maiyak iyak ako dahil sa walang kakilala, walang kaibigan, walang makausap. Pero habang nagtatagal natuto akong makipag kaibigan, maging open sa mga usapin nila na madalas hindi ko maintindihan, mga jokes na hindi ako makasabay nung una ay unti unti kong na "gets" at nakikitawa na din ako. For short IN na ako!


Pilipinas na mahigit pitong libo na isla, magkakaibang dialecto, tradition,pagkain at kung ano ano pa. Sa totoo lang wala pa talaga ako nararating sa Pilipinas, maliban sa ilang mga kilala at sumisikat na isla ngayon dahil sa turismo.

Pilipinas, masasabi kong kahit maalikabok, madumi ang city, madaming sasakyan, sobrang traffic, hindi maganda ang aspalto sa daan, mga ligaw na pusa umaakyat sa bubong ng bahay at nag aaway, basura na naipon.. sa kabila ng lahat masarap uwian ang sariling bansa dahil sa masasarap na pagkain, magagandang white sand beaches, mga cool at astig na gimikan, mga malls na kala mo ay nasa isang european country ka at higit sa lahat masarap uwian ang Pilipinas dahil sa mga naiwan nating mga mahal sa buhay at mga kaibigan (bagong kaibigan ko)


Nangungulila ako sa aking mahal na bansa (tama ba?) :D


Sama ka, biyahe tayo!

1 comment:

  1. Pagkatapos ko basahin ang blog na to, unang napansin ko ay bitin siya. Express mo lahat ng feelings mo at ang mga experiences na nangyari sayo para mas maunawaan ng mga readers kung anong gusto mong ipahiwatig at iyong pinagdaanan. :) Maganda naman ang blog na to konting dagdag lang at sa tingin ko magiging mas madali mong sila/kaming mayayaya sa biyahe mo kung mas mauunawaan namin. :)

    Tara sama ako, biyahe tayo! :D Hahaha.

    ReplyDelete